Analysis ng mga Tatlong Candlestick Patterns sa Olymp Trade
Maging Pamilyar Japanese Candlesticks na Nakakapagbigay ng Malakas na Signals at Paano ito Gamitin sa Trading
Sa isang naunang article, tinalakay natin kung ano ang Japanese Candlesticks at kung ano ang magagawa nito sa iyong trading. Natalakay rin sa article na iyon kung paano gamitin ang isa at dalawang candlestick patterns. Sa article naman na ito, tatalakayin ang mga candlestick patterns na binubuo ng tatlong candles.
Ang pattern ng tatlong candlestick ay nakakatulong upang makagawa ng mas eksakto na analysis kung ikukumpara sa isa at dalawang candle patterns. Dahil dito, makakakuha ka ng mas magandang signal at makakakita ka ng pagpapatuloy ng trend o ng trend reversal.
Kahit na ganito, kailangan pa rin maging maingat ng isang trader sa paggamit ng pattern na ito sapagkat upang magkaroon ng mas eks analysis sa trading,mabuti na gamitin ito kasama ang ibang technical analysis tools upang makumpirma ang signal.
Nasa sa mga susunod na bahagi ng article na ito ang mga karaniwan na tatlong candlestick patterns at kung paano ito ginagamit sa trading.
Three Stars in the South

- Ang pattern na ito ay nabubuo sa downtrend. Binubuo ito ng tatlong candles. Ang bawat isang sumusunod na candle ay mas maiksi sa nagdaan na candlestick. Dagdag pa rito, ang minimum na price ay mas mataas sa nagdaan na candle.
- Ang pattern na ito ay nangangahulugan ng pahina na downtrend at ang bullish reversal ay posible. Kung ang pattern na ito ay nabuo sa chart, malaki ang pag-asa na ang presyo ay pataas pagtapos nito.
Bullish Doji Star

- Ang Bullish Doji Star ay nagsisimula sa isang mahabang red candle. Ang pangalawang candle ay isang Doji. Makikita ito na mas mababa sa naunang candle, at mayroong maliit na gap sa ibaba ng dalawa. Ang ikatlong candle ay green candle. Ang body nito ay mas mahaba sa katawan ng red candle at halos natatakpan na ito.
- Nagpapakita ito ng bullish trend reversal. Kung ang pattern ay nabubuo sa chart , malamang ang presyo ay tataas matapos ang pagbagsak sa presyo.
- Pumasok lang sa market gamit ang Bullish Doji Star kung ang pattern ay nabuo sa downtrend.
Bearish Deliberation

- Ang bearish deliberation pattern ay ang kabaligtaran ng Three Stars in the South pattern. Ito ay nabubuo sa isang uptrend.
- Binubuo ito ng tatlong Doji Candles. Ang una at pangalawang candle ay halos magkaparehas ng size at ang pangatlo ay mas maiksi sa kanila. Ang opening at closing na presyo ay umaangat mula sa bawat isang candle papunta sa susunod.
- Ang Bearish Deliberation ay nagpapakita na ang uptrend ay humihina at maaaring bumagsak ang presyo. Kung makita ang pattern na ito sa chart, ang presyo ay maaaring bumagsak pagtapos nito.
Downside Gaps Three Methods

- Nabubuo sa downtrend
- Ang unang dalawang mahabang candles na may malaking pagitan. Green ang pangatlong candle at natatakpan nito ang pagitan ng dalawang naunang red candle.
- Nagpapatuloy ang downtrend kapag nakita ang pattern na ito.
Three Inside Up

- Pattern na extended version ng Bullish Harami pattern.
- Red ang unang candle sa pattern na ito. Sinusundan ito ng mas maiksing green candle at ang body nito ay hindi lalagpas sa red candle.
- Ang pangatlong candle ay green din, at ang closing price ay mas mataas sa nakaraan na green candle.
- Ang three inside up pattern ay nagsisilbing kompirmasyon na ang trend ay bumaligtad na at ang presyo ay nagsimulang tumaas pagtapos ng pagbagsak.
Morning Star

- Ang morning star ay nagsisimula sa isang mahabang red candle. Sinusundan ito ng maiksing candle na red/green ang kulay. Mayroon itong maiksi na katawan dahil nagsara ito kasunod ng presyo kung kailan ito nagbukas.
- Ang pangatlong candle ay green at ang body nito ay natatakpan ang body ng unang mahabang red candle.
- Ang morning star ay kadalasang nagpapakita ng bullish trend reversal. Kung mabuo ang pattern na ito sa chart, ang presyo ay tataas pagtapos ng pagbagsak.
- Note: mas malakas ang signal kung mas mahaba ang green candle.
Morning Doji Star

- Bullish pattern na binubuo ng tatlong candlestick. Ang unang candlestick ay ang huling candlestick sa isang downtrend. Ang pangalawang candlestick ay isang star na kahit ano ang kulay.
- Ang pangatlong candlestick ay green. Ang candlestick ay nagpapakita ng pagtatapos ng pattern at pagsisimula ng bullish trend.
- Ang pattern na ito ay nagpapakita ng malakas na signal na nagpapakita na ang presyo ay magsisimula nang tumaas.
Three Outside Up

- Extended version ng Bullish Engulfing Pattern. Ang unang candle sa pattern na ito ay red candle. Sinusundan ito ng green candle na mayroong body na mas malaki sa nakalipas na candle. Ang pangatlong candle ay green din. Ang closing price nito ay mas mataas kaysa sa nagdaan na candle.
- Ang pattern na ito ay nagpapakita ng bullish trend reversal at simula ng pagtaas ng presyo.
Three White Soldiers

- Binubuo ng tatlong green candles
- Ang opening price ng bawat isa ay nasa loob ng boundary ng nagdaang candlestick. Ang closing price naman ay patuloy na tumataas mula sa isang candlestick papunta sa susunod.
- Ang pattern na ito ay madala nagpapakita ng pagpapatuloy ng uptrend.
Tri-Star Bullish

- Ito ang kabaligtaran na version ng Tri-Star Bearish Pattern. Ang tri-star bullish ay makikita sa downtrend.
- Binubuo ito ng tatlong doji candles. Ang una at pangatlong candlestick ay nasa parehas na level. Ang pangalawang candlestick ay nasa ibaba nila.
- Ang pattern ay nagpapakita ng paghina ng downtrend. Ang price ay magkakaroon ng bullish reversal at tataas matapos ng pagbagksak.
- Dahil sa tatlong magkakasunod na Doji, ang tri-star bullish pattern ay nagbibigay ng malakas na signal. Kung ang pattern na ito ay makikita mo sa chart, kailangan mo itong bigyan ng atensyon.
Evening Star

- Kabaligtaran ng Morning Star pattern
- Nagsisimula sa mahaba na green candle. Ang pangalawang candle dito ay maiksi (red o green). Ang ikatlong candle naman dito ay red, at ang body nito ay natatakpan ang malaking bahagi ng unang green candle
- Madalas itong nagpapakita ng bearish trend reveral. Kung Makita ang pattern na ito sa chart, ang presyo ay maaaring bumagsak.
- Tandaan ang mga bagay na ito: Ang mas mahabang katawan ng pangatlong pulang candle ay nagpapakita ng mas malakas na signal.
- Ang Evening Star pattern ay nagiging entrypoint signal lang kung ito ay nabubuo pagkatapos ng isang uptrend.
Evening Doji Star

- Ang pattern ay halos kaparehas ng Evening Star pattern. Ang pinagkaiba lang nito sa Evening Star Pattern ay ang pangalawang candle nito ay isang short candle doji.
- Dahil sa Doji Candle, ang evening Doji Star pattern ay nagbibigay ng mas malakas ng signal. Kadalasan ibig sabihin nito na ang presyo ay pababa na pagkatapos ng pagtaas.
Three Outside Down

- Ang pattern na ito ay kabaliktaran ng Three Outside Up pattern
- Sa pattern na ito, ang unang candle ay green. Ang pangalawang candle ay red at ang body nito ay mas malaki sa body ng candle na nagdaan bago ito.
- Ang ikatlong candle ay pula rin, at ang closing price nito ay mas mababa sa pangalawang candle.
- Ang three outside down pattern ay isang extended version ng Bearish Engulfing Pattern. Bilang isang rule, ang three outside down ay nagbibigay ng signal na ang trend ay naging bearish at ang presyo ay magsisimulang bumagsak matapos ang pagtaas.
Falling Three Methods

- Ang pattern na ito ay nagbibigay ng signal na ang downtrend ay magpapatuloy. Binubuo ito ng limang candlesticks.
- Ang pattern ay nagsisimula sa isang mahaba na red candlestick. Sinusundan ito ng tatlong maiiksing green na candlestick na magkakasunod sa pagtaas.
- Ang tatlong candlestick na ito kasama na ang kanilang shadows ay dapat hindi mas malaki kaysa sa naunang pulang candlestick.
- Matapos ang magkakasunod na green candlesticks, mayroong isang malaking red candlestick na ang closing price ay mas mababa sa closing price ng naunang red candlestick.
- Kung makikita mo ang pattern na ito sa chart, magpapatuloy ang downtrend.
Three Inside Down

- Kabaligtaran ng Three Inside Up Pattern
- Ang pattern na ito ay nagsisimula sa isang green candle. Sinusundan ito ng maiksing red candle at ang body nito ay hindi lalagpas sa body ng unang green candle.
- Ang pangatlong candle ay red at ang closing price nito ay mas mababa kaysa sa red candle bago ito.
- Ang three inside down pattern ay isang extended version ng Bearish Harami Pattern. Bilang isang rule, ang three inside down ay nagkukumpirma ng isang bearish trend reversal, at ang presyo ay magsisimulang bumaba pagkatapos nito.
Three Black Crows

- Ang pattern na ito ay kabaliktaran ng Three White Soldiers Pattern.
- Binubuo ito ng tatlong red candles na pababa. Ang opening price ng bawat kasunod na candle ay nasa boundaries ng body ng nagdaan na candle.
- Kung ang body ng unang red candle ay mas mababa sa high ng green candle bago ito, mas malakas ang signal na mayroon sa pattern.
- Ito ay senyales ng trend reversal at ibig sabihin ay ang presyo ay pababa.
- Tandaan: gamitin lang ang pattern na ito sa market kung ito ay nabuo pagkatapos ng isang uptrend.
Tri-Star Bearish

- Binubuo ang pattern ng tatlong doji candle. Ang una at pangatlong candlestick ay nasa parehas na level, at ang pangalawang candlestick ay mas mataas sa kanila.
- Ang pattern na ito ay nangangahulugan na humina ang uptrend at maaaring magkaroon ng bearish reversal. Ang presyo ay babagsak matapos ng pagtaas.
- Dahil sa three-candle doji, ang Tri-Star Bearish ay nagbibigay ng malakas na signal. Kung ang pattern na ito ay nabuo sa chart, kailangang bigyan ito ng pansin.