Ang mga Delikadong Emosyon para sa mga Trader
At kung bakit kailangang maiwasan ang mga ito

Upang magkaroon ng tagumpay sa larangan ng trading, hindi lang sapat ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa teorya ng trading at kung ano ang mga stratehiya dito. Malaki ring bahagi ng paggtrade ang pagiging marunong na pangalagaan ang iyong emosyon.
Marami nang iba’t ibang pagkakataon kung saan ang ilang traders ay nauunahan ng kanilang mga damdamin sa trading — dahil dito, nagkakaroon ng pagkakamali sa mga trades dahil hindi nasusunod ang mga stratehiya at madalas nakakagawa ng irasyonal o hindi tamang mga desisyon. Halimbawa, ang pagbebenta ng posisyon sa hindi magandang presyo o ang gumawa ng trade na alam mo namang malaki ang pag-asang matalo.
Upang maiwasan ang mga ito, mabuting matutuhan mo bilang isang trader kung ano ang mga mapanganib na emosyon at kung paano sila maiiwasan.
Labis na Pagka-positibo (Optimism)
Ang optimism o ang pagiging positibo, ay hindi masama sa kabuuan. Ngunit, ang masama ay ang pagiging sobrang positibo ng walang tamang basehan, lalo na sa larangan ng trading.
Ang sobrang pagiging positibo ay nagtutulak sa isang tao na bumili at maniwala sa lahat ng trends. Hindi dapat maging sobrang positibo lalo na kung hindi naman ito naaayon sa iyong stratehiya sa trading. Maaaring ang ilang trading trends ay lumipas lang at hindi mo ito mapakinabangan ng lubusan.
Kinakailangan pa ring makinig at tumingin sa iyong technical analysis. Tandaan na isa sa mga pangkaraniwan na dahilan kung bakit nawawalan ng puhunan at kita ay dahil sa pagkakaroon ng sobrang kumpiyansa sa trading.
Labis na Pagka-Negatibo (Pessimism)
Tulad rin ng pagiging sobrang positibo, ang pagiging sobrang negatibo ay hindi rin nagdudulot ng maganda sa iyong trading. Ito ay nagdudulot sa mga tao na ibenta ang kanilang stocks ng hindi pa kasama sa nakalaan na panahon. Kasama rin dito, nagiging sobrang ingat at masyado nang natatakot sa mga biglaang uptrends, kaya hindi na nakakagawa ng trade.
Kailangang mayroong tamang dahilan ng pagiging negatibo sa ibang sitwasyon. Ang reasonable pessimism o nasa tamang dahilan ng pagiging negatibo ay maaaring makatulong sa isang investor na maging maingat sa pagbili. Ngunit ang unreasonable pessimism ay nakakatanggal lang ng kita at profitable na paggamit ng mga positibong sitwasyon sa merkado.
Takot (Fear)
Ang takot ay ang bagay na pumipigil sa isang trader upang magkaroon pa ng mas malaking oportunidad na kumita. Dahil dito, nappwersa ang mga trader na magwithdraw at magtinda ng mga posisyon sa isang mababang presyo.
Normal lang ang magkaroon ng takot lalo na’t hindi rin biro-biro ang investment na ibibigay mo sa trading. Mayroong malaking pag-asa na manalo ngunit malaki rin ang pag-asang matalo ka sa mga trades na iyong gagawin.
Ang mga takot na investors ay mas madalas makisama sa mga downtrends kaya naman hindi sila nagmamadali na bumili. Ang mga tao na nauunahan ng takot ay madalas na natututuhan na ang stock market ay hindi para sa kanila.
Kaya naman, kinakailangan mong sumunod sa isang trading strategy upang makasigurado ka na ang mga ginagawa mo ay tama, at ma protektahan mo ang iyong sarili sa mga biglaang desisyon na nakabase lang sa iyong takot.
Greed (Kasakiman)
Ang pagiging sakim ay isang emosyon na dapat ay hindi kinakaugalian ng isang investor. Ang greed o pagiging sakim ay nagdudulot ng sobrang paniniwala sa iyong mga gustong mangyari, na nawawala na ang matinong pagdedesisyon.
Kapag nagiging sakim ang isang trader, sumusubok siyang gumawa ng mas maraming kita at lumalayo siya sa kanyang strategy. Ang pagiging sakim rin ay nagiging dahilan upang hindi makapag-isip ng matino at tama ang isang trader.
Mga madalas mangyaring pagkakamali ay:
- Hindi pagsasara ng trade sa tamang panahon
- Pagkalimot sa tamang risk management
Ang mga ito ay nagdudulot lang ng pagkatalo.
Kaya naman, dapat palagi kang manatili sa iyong trading plan, kahit na sa tingin mo ay hindi ito nagbibigay ng gaanong kita sa iyo. Ngunit tandaan na ang payo na ito ay magagamit lamang kung ikaw ay mayroong kumpiyansa sa iyong strategy.
Pag-asa (Hope)
Kung ang takot ay pumipigil para sa isang trader na gumawa ng aksyon, ang pag asa naman ay nagpapanatili sa kanya sa isang natatalong trade. Ang mga emosyon na ito ay kadasalang magkakadugtong. Kung ang isang investment ay naging matagumpay, ang pag-asa ay nagiging pride. At sa pagkakataon ng pagkabigo, ito ay nagiging pagsisisi at takot.
Hindi masama ang umasa. Ngunit ang masama ay ang sobrang pag-asa ng hindi naaayon sa iyong abilidad, kakayahan, at tatag ng iyong trading strategy.
Pagsisisi (Regret)
May kasabihan sa Filipino na ang pagsisisi ay nasa huli. Totoo ito. Kaya naman hindi dapat magsisi lalo na sa mga bagay na nangyari na. Ganito rin ang dapat na maging mindset sa trading.
Normal lang ang magkaroon ng mga hindi panalong trade. Kahit ang mga pinaka eksperto na trader rin ay nagkakaroon ng mga talong trade. Ngunit, kung ikaw ay palaging mag-iisip tungkol sa pagsisisi at magpapakulong sa kalungkutan, mas mawawalan ka lang ng motivation.
Upang tanggalin ang emosyon, pag-aralan ang mga hindi matagumpay na trade at intindihin kung ano ang nagkamali dito. Matapos ito, subukan na huwag masyadong mag-isip o mag-overthink sa trade na ito. Sumubok nalang na magtrade sa ibang potensyal na oportunidad.
Konklusyon
Maraming emosyon ang tumatakbo sa puso at isip ng isang tao kapag siya ay nasa larangan ng trading. Ang mga emosyon na ito ay normal lang na maramdaman sapagkat tayo ay tao laman. Malaking bahagi ng pagiging matagumpay sa trading ang trading psychology. Kaya naman, ang pagiging maalam ng isang trader na aralin, intindihin, at magkaroon ng kontrol sa kanyang emosyon upang magkaroon ng tagumpay sa larangan na ito.