Relative Strength Law

Epektibong Stratehiya sa Olymp Trade FTT

Active Pinoy Trader
3 min readJan 17, 2022

Maraming iba’t ibang klase ng traders. Ang iba sa atin ay mas sanay sa long term trading. Ang iba naman ay sa mas maiksing oras. Sa Olymp Trade, mas marami ang day traders kaya naman marami rin ang kumikita sa mga mas maiksing time frames. Dahil dito, naghahanap ang mga traders ng mga trade na maaaring gawin sa mas maiksing panahon.

Para sa article na ito, ididiscuss ang isa sa magagandang stratehiya para sa mga traders na gustong magtrade gamit ang maiksing time frame. Ito ang Relative Stregth Law at epektibo ito kahit sa 1 minute time frame lang.

Ano ang RSI?

Ang Relative Strength Index (RSI) ay isang momentum indicator na ginagamit sa technical analysis na sumusukat ng mga pagbabago ng presyo upang makita ang overbought o oversold conditions sa presyo ng stock o ng iba pang asset. Ang RSI ay ipinapakita bilang isang oscillator (line graph na gumagalaw sa pagitan ng dalawang extremes) at mayroong reading sa loob ng 0 to 100. Makikita ito sa ibaba ng chart.

Ang indicator na ito ay nadevelop ni J. Welles Wilder Jr. at ito ay una niyang nabanggit sa kanyang libro na “New Concepts in Technical Trading Systems”.

Payak na Konsepto ng RSI

Ang paggamit ng interpretasyon ng RSI:

  • Kung ang value ay 70 o pataas — ibig sabihin na overbought ang value at maaring magkaroon ng trend reversal / corrective pullback.
  • RSI na 30 pababa — oversold o undervalued ang asset. Magkakaroon ng trend reversal.

Trading gamit ang RSI sa reversal ng Isang Trend

Kahit na noong 1978 pa nagsimulang gamitin ang RSI, nananatili pa rin ito bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang oscillator hanggang ngayon.

Bilang isang countertrend strategy, ang pangunahing prinsipyo nito ay ang magtrade sa trend reversal. Ayon sa pangalan ng stratehiya na ito, ito ay nakabase sa RSI oscillator.

Nakakapagbigay ito ng tatlong signal — overbought, oversold, at divergence. Ang mga signal na ito ang nakakatulong makahanap ng trend reversal points.

Paghahanda sa Trade

1. Buksan ang iyong Olymp Trade platform at gawing Japanese Candlestick ang chart.

2. Maaari ka rin namang magtrade gamit ang area chart, ngunit kung nagbabasa ka rin ng ibang article sa trading, mas maganda ang gumamit ng Japanese candlestick chart sapagkat nakakapagbigay ito ng maraming magagandang signal.

3. I-set ang timeframe sa 1 minute.

4. Idagdag ang RSI Oscillator sa Chart at i-set ito.

Setting ng RSI

I-set ang RSI sa period ng 5. Maaari mo ring palitan ang kulay at kapal ng linya kung gusto mo. Matapos ito, mag appear ang RSi sa ibaba ng chart

Setting ng Chart para sa Relative Strength Law

Pagbubukas ng Up Trade

Ang signal upang magbukas ng trade ay kapag ang oscillator ay wala na sa oversold territory. Magbukas ng up trade kung ang RSI line ay mapunta sa 30 mula sa ibaba pataas.

Ang trade time ay dapat kaparehas o doble ng time frame na nasa chart. Halimbawa, kung ang time frame ay 1 minute, ang trade time dapat dito ay 1 minute o 2 minutes.

Pagbubukas ng Down Trade

Ang signal upang magbukas ng Down Trade ay kapag ang oscillator ay umalis na sa overbought territory. magbukas ng Down trade kug ang RSI line ay tumawid sa 70 mula sa taas pababa.

Ang trade time ay dapat kaparehas o doble ng time frame na nasa chart. Halimbawa, kung ang time frame ay 1 minute, ang trade time dapat dito ay 1 minute o 2 minutes.

Trading Recommendations

  • Ang RSI Strategy ay nakakapagpakita ng pinakamalaking bilang ng signal mula 3:00PM hanggang 1:00AM sa oras sa Pilipinas.
  • Gamitin ang RSI kasama ang ibang indicators upang makita ang mga false signals.

--

--

Active Pinoy Trader

Let’s all learn how to be better traders together! Article requests? Drop your suggestions and we will try our best to do it.