Sliding on Averages: Olymp Trade

Isang Magandang Stratehiya para sa isang Beginner sa Olymp Trade

Active Pinoy Trader
3 min readSep 12, 2021

Ang Sliding on Averages Strategy ay tinatawag rin Moving Average Strategy sa Trading. Isa ito sa mga stratehiya na magandang gamitin para sa mga nagsisimula pa lang dahil dalawang indicators lang ang gagamitin para dito. Ang chart time frame na maaaring gamitin dito ay mula sa limang minuto hanggang sa isang oras. Samantala, ang trade time naman na gagamitin dito ay katumbas ng dalawang beses ng chart time frame. Halimbawa: 5 minutong chart time frame para sa 10 minutong trade time.

Ang dalawang indicator ay gumagana upang ipakita kung ang asset ay pataas o pababa. Kapag nagtagpo ang dalawang linya, ito ay nagiging senyales ng paglipat o pagbabago ng trend.

Ano ang SMA Indicator?

Ang SMA (Simple Moving Average) ang isa sa mga pinakasikat at simpleng trading indicators. Tinitignan nito ang general na lugar ng price data. Nakakatulong ang pagtingin dito upang makita ang mga trends. Ito ay isang linya.

Pinapakita nito sa isang mas malinis na paraan kung paano ang pagtaas at pagbabang presyo. Nagpapakita rin ito ng direksyon kung saan papunta ang asset value.

Pag-aayos ng Indicator

  • Pindutin ng dalawang beses ang SMA Indicator
  • Palitan ang settings ng dalawang ito: Fast SMA = 4; Slow SMA = 60. Palitan rin ang kulay ng dalawang ito upang mas maging malinaw. Sa halimbawa sa itaas, ang Fast SMA ay kulay Blue at ang Slow SMA ay kulay Orange
  • Gawin ang chart time na 5 mins
  • Gawin ang trade time na 10 mins

Pinapalitan ang SMA period upang madagdagan ang bilang ng signals o upang tumaas ang kanilang accuracy. Kapag mas mataas ang period ng SMA (60), nangangahulugan ito ng mas mabagal na indicator. Mas eksakto ang pinapakita ng indicator na ito ngunit mas kaunti ang signal nito.

Ang mas maliit na period ng SMA (4) ay nangangahulugan naman ng mas mabilis na indicator. Nagbibigay ito ng mas maraming signal, ngunit mas hindi ito eksakto.

Kapag magtagpo na ang dalawang linya ng SMA, ito ay nangangahulugan ng iba’t ibang signal upang makapagbukas ng trade.

Paano basahin ang SMA Signals?

Matapos mong mailagay ang dalawang SMA lines na mayroong tamang settings, Dito mo makikita ang price reverse signals.

TRADE DOWN: kung ang BLUE LINE ay mag intersect sa slow ORANGE mula sa taas pababa (top down)

TRADE UP: kung ang BLUE LINE (fast SMA, 4) ay mag intersect sa ORANGE (slow SMA, 60) mula sa ibaba pataas (bottom up).

Mga Mahalagang Paalala

  • Sa pagseset ng time frame sa chart, piliin ang kahit anong oras ng chart mula 5 minuto hanggang isang oras. Tandaan lang na ang trade time ay doble ng chart time.
  • Gamitin ang stratehiya na ito kasama rin ng analysis ng paggalaw ng candlestick pattern at support at resistance levels nito.

--

--

Active Pinoy Trader

Let’s all learn how to be better traders together! Article requests? Drop your suggestions and we will try our best to do it.