Ano ang Olymp Trade Fixed Time Trade?

Active Pinoy Trader
4 min readSep 29, 2022

--

Ang Fixed Time Trading ay isa sa tatlong trading modes na maaaring gamitin sa Olymp Trade. Sa article na ito, malalaman kung ano ang mga libreng strategy sa Fixed Time Trading at kung paano ito gagamitin.

Ano ang Fixed Time Trade sa Olymp Trade?

Ang Fixed Time Trade ay madali lang maintindihan, kaya naman karamihan ng mga bago pa lang sa trading ay ginagamit ang mode na ito upang maging panimula sa pagkamit nila ng kanilang mga trading goals. Ang pangunahing hamon dito ay ang malaman kung ang presyo ng asset ay mas mataas o mas mababa sa dulo ng iyong time frame. Kung ang presyo ng asset ay gumalaw sa tamang direksyon, magkakaroon ka ng kita.

Halimbawa:

Nagbukas ka ng FTT sa EUR/USD na asset. Ang una mong kailangang gawin ay ang pumili ng trade amount at ng time frame.

Ang pulang kahon sa taas na parte sa kaliwa ay ang asset. Makakapili ka rin ng ibang assets pag pinindot mo ito.

Sa kanang bahagi naman, makakapili ka ng amount kung magkano ang iyong ittrade at kung gaano katagal ang trade.

Ang kasalukuyang presyo na makikita mo ay ang gagawin mong basehan kung ano ang magiging direksyon ng trade. Kung ang asset ay pumunta sa direksyon na iyong pinili (pataas/pababa), magkakaroon ka ng kita sa iyong trade.

Sa madaling salita, ang direksyon lang ng iyong trade ay ang kailangan mong malaman upang magkaroon ng tama na trade. Kung maling direksyon ng asset ang iyong pinili, hindi ka magkakaroon ng kita.

Paano magbukas ng Trade sa FTT?

Madali lang ang pagbubukas ng trade sa FTT. Mayroon lang ilan na mga hakbang ang iyong kinakailangang gawin:

  1. Siguraduhin na ang trading mode mo ay nakaset sa FTT. Dahil mayroong tatlong trading mode sa Olymp Trade (FTT, Forex, Stocks), siguraduhin na nasa tama kang trading mode.
Piliin ang “Fixed Time” sa trading mode

2. Pumili ng asset na iitrade mo mula sa listahan ng mga assets. Mabuting pumili ng mga assets na mayroong mataas na porsyento ng profit (>80%).

3. Magtakda ng iyong trade amount. Ang pinakamababang trade amount ay $1. Mungkahi para sa mga baguhang traders na ganitong amount muna ang gamitin, upang makapag ensayo ng tamang money management.

4. Pumili ng tagal ng trade. Maaaring magsimula ito sa isang minuto hanggang sa mga long term tulad ng isang araw. Ang tagal ng trade ay maaari mong ibase sa iyong stratehiya.

5. Kapag naiset mo na ng maayos ang mga naunang steps, maaari ka nang magbukas ng UP o DOWN trade, depende sa iyong forecast.

Ang halaga ng profit na iyong makukuha ay nakadepende sa iyong napiling asset. Kung ang profitability ng asset na napili mo ay 82% at ikaw ay nagtrade ng $100, magkakaroon ka ng kita na $82.

Kung ang trade naman ay papunta sa direksyon na hindi naaayon sa iyong forecasr, pwede mong isara agad ang trade ng hindi pa natatapos ang oras. Pumunta lang sa active trade at pindutin ang close button, katulad ng nasa halimbawa sa ibaba:

Maaari mong pindutin ang “Close” button upang magsara ang trade

Tandaan rin na hindi rin palaging magiging available ang close button. Kung malapit na ang oras sa expiration ng trade, hindi mo na mapipindot ang close button

Mga Tips at Settings para sa Fixed Time Trade

  1. Siguraduhin na ang iyong trade amount ay sang-ayon sa iyong risk tolerance. Ang isang magandang tandaan ay hindi dapat ito lumagpas sa 2% ng iyong investment capital. Kahit madali lang ang paraan sa FTT upang kumita ng pera, huwag kalimutan na imposible n magkaroon ng 100% na forecast — lalo na kung ang asset na iyong tinetrade ay volatile.
  2. Ang minumungkahi na timeframe para sa mga traders ay limang minuto. Kahit ganoon, pwede ka pa rin naman pumili ng mga asset na nasa loob ng isang minuto hanggang 23 oras.
  3. Kinakailangang gumamit ng Heiken Ashi o Japanese candlestick sa iyong trading sapagkat ang mga charts na ito ay ms madaling basahin, lalo na para sa mga newbies.
  4. Alamin ang mga assets na iyong tine-trade. Pumili ng isa o dalawang asset na una mong pag-aaralan at alamin kung ang pattern ng paggalaw nito. Pinapataas nito ang pag-asa mong magkaroon ng tama na forecast.

Stratehiya sa Olymp Trade para sa FTT

Paraan din upang magkaroon ka ng mas magandang forecast sa trade ay ang magkaroon ng isa hanggang dalawa na epektibong stratehiya. Mayroong dalawang strategy sa ibaba na madaling gamitin. Ito ang Relative Strength Law at Sliding on Averages.

Mababasa sa mga naka-link na article kung ano ang mga stratehiya na ito at paano sila gagamitin. Huwag kalimutan na gamitin muna ito sa demo account upang masubukan.

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

--

--

Active Pinoy Trader
Active Pinoy Trader

Written by Active Pinoy Trader

Let’s all learn how to be better traders together! Article requests? Drop your suggestions and we will try our best to do it.

No responses yet

Write a response